RED TAGGING HINDI NAGMULA SA GOBYERNO

Pamahalaan

BAGAMAN aminado ang pamahalaan na seryosong usapin ang red tagging sa mga pinaghihinalaang maka-kaliwa o kumikiling sa New People’s Army-Communist Party of the Philippines- Communist Party of the Philippines (NPA-CPP), nilinaw ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director of the Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) na hindi nagmula sa pamahalaan ang pagsasagawa nito.

Sa virtual presser noong Disyembre 11, idiniin ni Catura na si CPP founding chairman Jose Maria “Joma” Sison ang nagsimula ng pag-red-tag sa militant organizations at iba’t ibang personahe.

“The government “has never red-tagged anyone,” ani Catura.

Sa katunayan, sinabi ni Catura na marami nang pahayag na isinagawa at narinig kay Sison sa pamamagitan ng video hinggil sa pagtukoy sa mga indibiduwal at organisasyon na nag-uugnay sa pagkilos ng komunista at kabilang dito ang video ng pulong sa International Center, CIC in Brussels, Belgium noong Marso 4, 1987.

“At any rate, even while there are of the armed revolution, there are the legal democratic forces in the Philippines. The biggest of these is Bagong Alyansang Makabayan or BAYAN, in short. Its biggest component organizations are: Kilusang Mayo Uno which is the labor center; the Kilusang Magbubukid (KMP); GABRIELA, the woman’s Alliance; League of Filipino Students (LFS); Alliance of Concerned Teachers (ACT); KADENA; and so on,” ani Sison sa nasabing video noong  Marso 4, 1987.

Dagdag pa ni Catura, batay sa video, si Joma Sison mismo ang tumukoy sa mga grupo na sumusuporta sa kanyang organisasyon at hindi ang pamahalaan.

“It actually takes off from statements coming from Joma Sison himself, who identified groups that are supportive of his organization, an organization that advocates for the violent overthrow of the Philippine government,” dagdag pa ni Catura. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.