CAMP CRAME – ITINANGGI ni PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. na nagsasagawa ng “red-tagging” ang PNP sa mga progresibong grupo.
Kasunod ito ng alegasyon ng mga makakaliwang grupo na binabansagan ng PNP bilang mga “communist terrorists” ang si-numang kontra sa pamahalaan para patahimikin ang “legitimate dissent.”
Paalala ni Durana, hindi ang PNP kundi mismong si CPP founding Chair Joma Sison ang nag-“red-tag” sa mga grupong Bayan, (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas), (Kilusang Mayo uno), Gabriela, (League of Filipino Students), (Alliance of Con-cerned Teachers), at Kadena, bilang mga front organization ng kilusang komunista.
Aniya, walang masama sa pagiging “progresibo” o aktibista bilang bahagi ng isang masiglang demokrasya.
Ngunit ang problema aniya ay kung nagagamit ang mga progresibong grupo ng mga kalaban ng estado para isulong ang kanil-ang agenda na pabagsakin ang gobyerno.
Giit ni Durana, responsibilidad ng PNP na protektahan ang estado sa mga kalaban nito, batay sa batas. REA SARMIENTO
Comments are closed.