Hala hoy, tinukoy na, mga tiwaling Ahensiya.
Ang Red Tape ay talamak sa Kanila!
Marapat na magbago kung ayaw na tuluyang malansag na,
Ito ang babala ng ARTA O Anti Red Tape na Ahensiya.
Isiniwalat nga ng mismong ARTA Director General,
Jeremiah B. Belgica na pinagpipitagan.
Resulta ng kanilang pagtitiktik nang Puspusan..
Tatlong Government agencies sa Red Tape nababalutan.
Kabilang sa mga ito ay ang Food and Drug Administration,
Ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board,
At Land Registration Authority na kapag inyong pinasok.
Transaksiyon ay nagtatagal, sadyang nakabubugnot.
Kaya nga dagliang ipinatupad nitong Anti Red Tape Authority,
Ang kampanyang EODB o Ease Of Doing Business na naging advocacy.
Itinatakda ito sa Republic Act Number 11032.
Layon ay putulin ang Red Tape at mapadali ang Serbisyo
Ang naturang Batas ang nagtatakda ng panahon,
Sa anumang Opisina ng Gobyerno marapat na mabilis ang transaksiyon
Dahil wala nang dapat na idahilan pa sa ngayon..
Modernisado na ang mga kagamitan sa bagong henerasyon.
Sa FDA natuklasan ng ARTA.. .ang Backlog ng trabaho ay isang katerba!
Kaya kalidad ng mga gamot ay baka masakripisyo na.
Ganoon din naman sa LTFRB na ang serbisyo ay mabagal sa Frontline Operations,
Tutulungan na ng ARTA upang mapabilis ang serbisyo nito sa Transportasyon.
Samantalang nagpaalala rin ang ARTA sa Land Registration
Bilisan din nito ang Pag-aksiyon…upang mga titulo ng lupain ay maisaayos ngayon
Sa pamamagitan ng Electronic Titling ay matiyak na tama ang hurisdiksiyon
Maiiwasan nito ang Pamemeke na talamak noon, na dapat wala na ito ngayon.
Kaya KUDOS ang masasabi ng aba ninyong Lingkod…
Sa aksiyon na ito na sadyang nakalulugof…
Tunay na tumalima kayo sa Pangulo sa kanyang utos
AYUSIN ANG SERBISYO SA MAMAMAYAN AT GAWING KALUGOD-LUGOD!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.