ITINAAS ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa 10 coastal areas sa bansa.
Ayon sa Shellfish Bulletin No. 6 ng BFAR, lumabas sa kanilang laboratory test na ang mga shellfish na nakuha sa 10 coastal areas ay pawang nagpositibo sa paralytic shellfish poison.
Ilan sa mga lugar na ito ay ang mga katubigang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Balite Bay sa Mati City sa Davao Oriental, at Dumangquillas Bay sa Zamboanga Del Sur.
Nangangahulugan ito na ang lahat ng uri ng mga shellfish o lamang dagat ay hindi ligtas na kainin.
Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at iba pa basta hugasan lamang mabuti. DWIZ 882
Comments are closed.