NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng shellfish sa apat na lugar sa bansa dahil sa red tide.
Ayon sa BFAR, nagpositibo sa paralytic poison kaya hindi ligtas na kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa mga lugar sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Irong-irong, San Pedro, at Silanga sa Western Samar; at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte.
Samantala, maari namang kainin ang mga isda, pusit at hipon na makukuha sa naturang mga lugar basta ito ay iko-konsumo habang sariwa at lilinising mabuti bago lutuin. DWIZ882
Comments are closed.