INIHAYAG ng Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (BFAR) na ayon sa resulta ng kanilang huling laboratory test na may indikasyon pa na patuloy pa rin ang presensiya ng paralytic shellfish poison sa shellfishes na nakolekta nila mula sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sa shellfish Bulletin No. 26 na inisyu nitong Biyernes, sinabi ng BFAR na ang presensiya ng paralytic shellfish poison sa mga sample na nakolekta ay lagpas pa rin sa regulatory limit.
Kinumpirma ng lab test na inisyu ng BFAR noong Nobyembre 28 na may presensiya ng red tide toxin sa mga sample ng mga shellfish na nakolekta mula sa Lianga Bay.
Sakop ng Lianga Bay ang mga bayan ng Barobo, Lianga, San Agustin, at Marihatag sa Surigao del Sur.
Sa bagong bulletin na inisyu ng BFAR, ang local government units (LGUs) sa lugar, kasama ang BFAR-13 ay nananawagan sa publiko na huwag munang manguha, magbenta, at kumain ng lahat ng klase ng shellfish at alamang o hipon para makaiwas sa posi-bleng shellfish poisoning.
Isang araw matapos na mag-isyu ang BFAR-13 ng warning sa presensiya ng red tide toxins sa lugar dalawang residente mula sa bayan ng Barobo ang kinumpirmang namatay dahil sa shellfish poisoning.
Ayon sa report, ang mga biktima ay kumain ng hilaw na shellfish o kinilaw na shellfish na kinuha sa Lianga Bay.
Binigyang-diin din ng BFAR-13 sa kanilang information drive ang kahit ang nilutong shellfish na apektado ng red tide ay hindi rin ligtas kainin.
Noong Nobyembre, nag-warning ang isang chemist mula sa BFAR-13 sa mga residente sa lugar tungkol sa pinsala na magiging resulta sa pagkain nang niluto pero kontaminadong shellfish mula sa dagat, sa-bay sabing “marine biotoxins are heat stable and cannot be disintegrated by any means, be it by acidi-fication by the use of vinegar nor by heating or subjecting it even at cryogenic temperatures.” PNA