NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na huwag kumain ng shellfish na inani sa Matarinao Bay sa Eastern Samar matapos na bumalik ang red tide sa lugar na iyon.
Sa isang local red tide warning na inisyu kamakailan, kinumpirma ng BFAR ang red tide bloom sa baybayin sa pamamagitan ng laboratory analysis ng mahigit isang linggo.
Ang presensiya ng red tide sa parehong karne at tubig ang nagbunsod ng ban sa pag-aani, pagbebenta at pagkain ng shellfish sa mga natukoy na lugar, ayon kay BFAR Regional Director Juan Albaladejo sa isang panayam.
“To safeguard human lives while waiting for the result of confirmatory test of shellfish sample sent to BFAR central office, we are issuing this warning as a precautionary to the public to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfishes and hipon from Matarinao Bay to avoid possible shellfish poisoning,” ani Albaladejo.
Ang mga huling isda sa nasabing lugar ay ligtas namang kainin kailangan lamang na ito ay sariwa, nilinis ng mabuti at niluto ng maayos ayon sa BFAR advisory.
Ang Matarinao Bay, na kilala na laging nagkakaroon ng red tide, ay sumasakop sa mga bayan ng Salcedo, Quinapondan, McArthur at Hernani sa Eastern Samar.
Nauna rito, nag-atas na ng shellfish ban sa baybaying dagat ng Biliran at Leyte.
Nagsagawa ang fisheries bureau ng water sampling activities sa mga apektadong lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga kumakain ng shellfish. PNA
Comments are closed.