RED TIDE ALERT SA PALAWAN AT IBA PANG LUGAR –BFAR

BFAR-RED TIDE

PINAALALAHANAN ng Bureau of Fisheries and Aquaic Resources (BFAR) ang publiko hinggil sa pananatili ng nakalalasong red tide sa mga pagkaing dagat na nagmumula sa San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Ginawang babala ng ahensiya matapos lumabas sa kanilang pinakabagong laboratory results gayundin sa pag-aaral ng local governemnt units (LGUs) na ang nakokolektang lamang dagat ay positibo sa paralytic shellfish poison kung kaya’t pinag-iingat ang mga mamimili.

Nabatid na pinakabagong nagpositibo sa mapa­minsalang red tide toxin ang bahagi ng karagatan ng Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City ng Palawan; Maqueda, Irong-irong, Silanga at Cambatutay Bays sa Western Samar kung kaya’t pinaiiwas muna ang mga residente na bumili ng mga pagkaing dagat sa nasabing mga lugar.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.