RED TIDE ALERT UMIIRAL PA RIN SA PALAWAN

RED TIDE

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na patuloy na nakataas ang Red Tide Alert sa mga baybayin ng Puerto Princesa at Honda Bay sa Palawan.

Ito ay makaraang magpositibo sa paralytic shellfish poison ang baybayin ng Puerto Princesa at Honday Bay

Ayon sa BFAR, lahat ng uri ng shellfish na makukuha sa mga natu­rang lugar ay hindi ligtas kainin dahil sa red tide.

Nabatid na noong Marso 20, 2018, unang idineklara na ng BFAR na positibo sa red tide ang Puerto Princesa at Honda Bay.

Ayon kay Felina Cabungcal ng Palawan Provincial Agriculture Office, nang muli silang magsagawa ng pagsusuri, lumitaw na nananatili pa rin ang red tide sa karagatan.

Paliwanag ni Cabungcal posibleng sanhi ito ng pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon.

Kinakailangan aniya ng tuloy-tuloy na pag-ulan para maalis ang red tide. VERLIN RUIZ

Comments are closed.