BINALAAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish sa siyam na lugar sa bansa dahil sa panganib ng red tide.
Ayon sa BFAR, nagpositibo sa paralytic poison kaya hindi ligtas na kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa mga Puerto Princessa Bay sa Palawan, Irong-Irong Bay sa Western Samar, Silanga Bay sa Western Samar, San Pedro Bay sa Western Samar, Cancabato Bay sa Tacloban City, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, Coastal Waters ng Pampanga, Coastal Waters ng Bataan at Coastal Waters ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol.
Ligtas namang kainin ng tao ang mga isda at hipon mula sa nasabing mga lugar ngunit kailangan mu-nang linising mabuti bago lutuin. DWIZ 882
Comments are closed.