NAGPAHAYAG ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may red tide sa ilang bahagi ng Visayas.
Base sa huling laboratory results ng BFAR at local government units (LGUs), kontaminado ang mga lamandagat sa dalampasigan ng probinsya ng Biliran; Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; maging sa Honda Bay, Puerto Princesa sa Palawan.
May nakita umanong mga paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit.
Lahat ng lamandagat sa nasabing mga lugar lalo na ang alamang ay hindi ligtas na kainin.
Gayunman, ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at alimango ngunit kailangan silang hugasang mabuti bago lutuin.
Hindi naman dapat kainin ang bituka at hasang kahit pa sariwa. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.