REDEVELOPMENT NG CARBON MARKET NAPAPANAHON

MASAlamin

HALOS isang siglo nang hindi nagagalaw ang Carbon Market sa siyudad ng Cebu at ngayon ay nabigyan ito ng pagkakataon na mare-develop.

Isang pribadong kompanya ang tutustos sa pagsasaayos dito habang ang pondo ng siyudad naman ay magagamit sa mga ibang kritikal na gastusin katulad ng sa healthcare ng mga residente nito lalo’t may pandemya.

Ang kompanyang Megawide pa naman na magsasagawa ng proyekto ay may napakagandang track record katulad ng pag-modernize at pag-operate nito ng Mactan Cebu International Airport na isang premyadong airport globally na tunay na maipagmamalaki ng bawat Filipino.

Megawide din ang nagsagawa ng rehabilitasyon at pagmomodernisa ng Clark International Airport na kailan lamang ay nai-turn over na ng nasabing kompanya.

Napakaganda ng disenyo ng planong redevelopment ng Carbon Market base sa mga nakita ko online.

Tunay na angkop sa kultura at kasaysayan ng mga Cebuano.

Tiyak na mas lalong darami ang mamimili rito at bibisitang mga turista. Sa isang press conference ng grupong Alliance of Trike Drivers and Independent Vendors (ACTIVE) ng Cebu ay nagpahayag sila ng suporta sa pagsasaayos ng Carbon Market.

Anila, walang dapat katakutan ang mga vendor dahil walang madi-displace o madi-disrupt na paghahanapbuhay at lalong walang basehan ang ipinakakalat na misinformation ng mga kritiko dahil nag-increase sa rental rate sa makabagong palengke.

Hindi rin totoong ipina-privatize ang Carbon Market dahil iyon ay isang joint venture agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng Megawide.

Dahil sa bukod sa pagagandahin ang palengke ay palalakihin din ito at inaasahang mas maraming trabaho, negosyo at oportunidad ang malilikha nito hindi lamang para sa siyudad kundi para rin sa buong lalawigan.

Comments are closed.