Sakaling umakyat sa Senado ang impeachment complaint, kailangang magsakripisyo ang mga reelectionist senators na tatayo bilang mga hurado.
Hindi iniaalis ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel Jr. ang posibilidad na makarating sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Pahayag ito ng senador sa gitna na rin ng nalalapit na kampanya para sa midterm elections na posibleng sabayan ng impeachment sa Senado.
Ayon kay Pimentel, kahit mag-adjourn na ng sesyon ay tuloy pa rin ang impeachment trial dahil inaasahan ng mga tao na magsasakripisyo sila ng kanilang oras at alam din ng mga tatakbong senador na posible silang tumayong judge sa impeachment proceedings.
LIZA SORIANO