REFEREES, STATISTICIANS NG KATATAPOS NA LIGA‘DI PINASUWELDO?

on the spot- pilipino mirror

SIMULA kahapon ay balik-ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal. Kaya kung wala rin lang mahalagang bagay na gagawin sa labas ay huwag nang magsilabas upang hindi na madagdagan pa ang mga natatamaan ng COVID-19.

Wala na raw bakante sa mga hospital. Sa dami ng hospital sa Metro Manila at iba’t ibang dako ng bansa ay nauubusan na ng rooms dahil sa dami ng mga pasyente. No doubt kung bakit marami ang namamatay, kasi nga ay hindi na ma- accommodate ng hospitals dahil na rin sa kakulangan ng mga doctor. Haaay, sana matapos na ang pandemic na ito na bumabalot sa buong mundo lalo na sa ating bansa.

Nakalulungkot na mga kasamahan natin sa hanapbuhay — ang mag-amang Tunying at  Allan Penaredondo na kapwa  photographers — ang kabilang sa mga naging biktima. Naunang namayapa si Ka Tunying at sumunod si Allan pagkalipas lamang ng dalawang araw.

Mula sa bumubuo ng PILIPINO Mirror, taos-puso po kaming nakikiramay sa pamilyang iniwan ng dalawa.



Natapos na ang bubble game ng ligang ito. Umabot ito ng dalawang linggo na ginawa sa bandang North. Nag-champion nga ang taga- South kontra team ng North na defending champion. Ok naman ang kinalabasan, parang successful dahil full support ang mga kawani ng Subic. Sabi pa nga nito ay nagpaplano na sila na muling magsagawa ng mga laro  sa  lugar.

Ang masaklap nito ay nagrereklamo ang staff ng liga, ang grupo ng statisticians at referees dahil hindi sila nasuwelduhan sa panahon ng bubble game. Hanggang sa nakauwi na sa Manila ang lahat, ni singkong duling ay hindi umano sila nakatanggap ng sahod. Ang pangakong P500 a day ay hindi natupad. Pangako ng commissioner ng liga ay may sahod sila kaya nga kinontak sila para sumama sa bubble game.

Sumabak sila sa giyera na walang bala. Tinawagan ang grupo para sa bubble championship game. Happy ang lahat dahil pandemic ay kikita sila kahit papaano. May pantustos sila sa kanilang pamilya na halos isang taon din naman silang walang kita.

Nasaan na ang pangako ni kume na babayaran ang bawat isa?  Tatlong linggo na ay wala pang suweldo.

Alam kaya ng founder ng liga ang nangyayaring ito? Panay ang pamigay nito ng pera sa mga tao dahil nagpapakilala na ito at balak kumandidato bilang pangulo sa susunod na eleksiyon.

One thought on “REFEREES, STATISTICIANS NG KATATAPOS NA LIGA‘DI PINASUWELDO?”

Comments are closed.