‘REFILL REVOLUTION’ DINALA NG DENR, NUTRIASIA SA MAS MARAMING BARANGAY SA CENTRAL LUZON

REFILL REVOLUTION

ISA pang refilling station ang itinayo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang mga partner nito tulad ng NutriAsia Inc., sa isang barangay sa Bulacan noong Hulyo 18. Bahagi ito ng ‘Refill Revolution’ na kampanya DENR na naglalayong mabawasan ang pagkonsumo ng plastik sa nasabing rehiyon.

Nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Barangay Caingin, Bocaue na makabili ng mga produkto ng NutriAsia, gaya ng Datu Puti suka at toyo, sa mas murang presyo sa pamamagitan ng pagdala ng sarili nilang mga container.

Layon ng Refill Revolution na itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paghikayat sa mga sambahayan na mag-recycle o muling gamitin ang kanilang malilinis na plastic containers sa halip na itapon ito kaagad. Inilunsad ang programang ito kasabay ng Earth Day celebration ng Guiguinto, Bulacan noong Maso 2018, sa pangunguna ng Environmental Management Bureau (EMB) Region 3 ng DENR.

Ayon kay EMB Central Luzon Director Lormelyn Claudio, ang programang ito ay isang praktikal na solusyon laban sa polusyon sa plastik. Nakatutulong ito sa pagbawas sa produksiyon at paggamit ng plastic, gayundin sa polusyon sa hangin at tubig.

“Decreasing the amount of waste created by disposable packaging will be a very difficult task, but with the implementation of these different refill processes across Central Luzon, later on replicated in other regions, it may still be possible,” sabi niya.

Kinilala ni Claudio ang kontribusyon ng LGUs at mga pribadong kompanya sa pagpapatanyag ng konsepto ng pag-refill at ang kabutihang dulot nito sa kalikasan.

“People ask me how we intend to sustain this initiative, and I always answer: It will need partners, both from the private and the public sectors, and, of course, it will need the cooperation of the citizenry. It’s high time that we adopt the discipline of reusing and recycling plastics. Let us all commit to be good caretakers of the environment,” sabi ni Claudio.

Aniya, isa ang NutriAsia sa mga kompanyang unang nagpahayag ng buong suporta sa kampanya. “We hope that this recycling program becomes bigger than a one-day event. We hope NutriAsia can have more refilling stations in the future, and that they will be able to participate in our future events as well as similar events as Refill Revolution gets replicated by local governments and establishments,” dagdag pa niya.

Mula nang ilunsad ito noong nakaraang taon, ang Refill Revolution ay nakakuha ng partisipasyon at suporta ng mga LGU at hindi bababa sa 2,000 na bilang ng mga residente mula Bulacan, Pampanga, at Bataan.

Comments are closed.