REFRESHER COURSE SA PALARONG PAMBANSA 2024 IDINAOS

CEBU – Upang matiyak na ang lahat ng opisyal ay handa at napapanahon sa pinakabagong mga tuntunin at regulasyon para sa kani-kanilang mga isports, idinaos ang isang araw na Refresher Course sa University of San Carlos Gymnasium-Main Campus noong Hulyo 7.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng humigit-kumulang 1,300 officiating officials mula sa iba’t ibang sports events.

Dumalo sa aktibidad ang Regional Director ng host province na si Dr. Tomas Pastor, kasama sina Atty. Fiel Almendra, DepEd RO7 Asst. Regional Director at Acting Vice Mayor Donaldo Hontiveros.

Tinalakay ni Adolf P. Aguilar, Tagapangulo ng Palarong Pambansa Steering Committee, ang mga alituntunin para sa Online Engagement.

Samantala, tinalakay ni Marivic B. Tolitol, OIC Palarong Pambansa Secretariat, ang mga pangkalahatang alituntunin at ang aktwal na oryentasyon.

Nagpatuloy ang nasabing event sa isang focused group discussion sa kani-kanilang playing venue.

RUBEN FUENTES