PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa refresher course ang mga pulis tungkol sa tamang Police Operational Procedure.
Ito ang sinabi ng PNP Public Information Office Chief BGen. Red Maranan kasunod ng ilang kuwestyonableng insidenteng kinasangkutan ng mga pulis.
Isa sa kontrobersyal ang shooting incident sa Taguig City Police na ikinasawi ng isang pulis at sugatan ang dalawang iba pa.
Ang pinakahuli ay ang pag-ransack ng mga pulis ng Imus City Police station sa bahay ng retiradong professor na isinasangkot sa iligal na droga na walang search warrant.
Sinabi naman ni Maranan na ang mga naturang insidente ay nagsisilbi bilang “eye opener” sa PNP upang madetermina ang mga dapat gawin para mas mapahusay ang kanilang serbisyo.
Muling pinaalalahan ni Maranan ang mga ground commander na sila ang responsable sa pagtiyak na sumusunod sa tamang Police Operational Procedure ang kanilang mga tauhan.
EUNICE CELARIO