HINDI katanggap-tanggap ang baggage delays sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at ang mga apektadong pasahero ay dapat tumanggap ng refund, ayon kay Senadora Grace Poe.
“It’s unacceptable that hundreds of pieces of luggage are stuck at the airport due to a technical glitch. A delayed flight is bad enough, but mishandled or delayed luggage is equally disappointing,” sabi ni Poe.
“A week is too long for a problem with the baggage handling system to be fixed,” anang senadora.
Ang pahayag ni Poe ay makaraang ma-stranded ang daan-daang bags sa airport habang ang mga may-ari nito ay nakarating na sa kanilang mga destinasyon.
Binigyang-diin ng senadora na nararapat lamang bayaran ang mga pasahero para sa ‘inconvenience‘ na idinulot ng pagkakaantala.
“Whoever is responsible must urgently address the issue, as valuable belongings are piling up at the airport. Passengers pay for their checked-in bags as required by the airlines. They deserve refunds and more for the trouble this has caused.”
“The airport management and airlines owe it to the affected passengers to be responsive and show that they are actively working on the problem,” dagdag pa ni Poe.
LIZA SORIANO