HINDI pa malinaw kung makapagpapatupad ang Manila Water Company ng refund sa mga consumer nito para sa binabayaran sa serbisyo sa tubig kahit wala namang supply.
Sa ginanap na pagdinig ng House Oversight Committee on Metro Manila ay kinumpirma ni Manila Water president and Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz na nagbabayad ang kanilang mga customer kahit na walang dumadaloy na tubig sa mga gripo, ngunit wala pang napag-uusapan para sa refund dahil sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensiyon sa pagpapanumbalik ng supply ng tubig.
Iginiit ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gonzales na dapat ikonsidera ng Manila Water ang rebate o discount lalo sa buwan ng Marso o sa kung hanggang saan aabutin ang nararanasang krisis.
“As early as in the night of March 7, 2019, Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has turned the routine of our lives upside down. And despite the promises made by Manila Water of relief from this crisis, situations in some areas up to now still has not improved. Residents remain sleepless – still waiting, begging and crying out for water,” pahayag ni Gonzales.
Giit ni Gonzales patas lamang na hindi na magbayad ang mga customer ng Maynilad na naapektuhan ng water shortage.
Kaugnay nito ay pag-aaralan na ng Kamara na malagyan ng penalty provision ang mga water concessionaire na hindi sumusu-nod sa kanilang kontrata.
Ayon kay House Speaker Gloria Arroyo, ipinabatid sa kanya ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na walang itinatakdang parusa sa water concessionaire na makalalabag sa kanilang serbisyo.
Bubuo ang Kamara ng kaukulang parusa na ipapataw sa water companies na hindi tutupad sa kanilang tungkulin.
Inamin naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty na walang kapangyari-hang magpataw ng multa ang MWSS laban sa water concessionaire at ang tangi lamang na magagawa ay pagbasehan ang perfor-mance ng kompanya sa kanilang rate rebasing na makaapekto sa kanilang pagtaas ng singil sa tubig pagsapit ng 2022.
Nakahanda naman umano ang kompanya na harapin ang anumang parusang ipapataw sa kanila. CONDE BATAC
Comments are closed.