REGALO, BAWAL SA CUSTOMS

Regalo

MAHIGPIT  na ipinatutupad ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang “no gift policy” at pinagbawalan ang mga kawani nitong tumanggap ng anumang uri ng regalo kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Meet the Press forum kung saan humarap ang mga opisyal ng bureau at iprinisinta ang kanilang accomplishment report, sinabi niya na hindi siya tumanggap, hindi tumatanggap at never na tatanggap ng anumang suhol o regalo.

Giit ng opisyal, buong tapang niyang sinasabi sa publiko ang pahayag dahil kaya aniya niyang banggain ang sinuman kung kinakaila­ngan sapagkat ginagawa lamang ang kanyang tungkulin at paglilingkod sa bayan.

Sinabi rin ni Guerrero na bagama’t mayroon pa ring “tara system” sa ahensiya ay maliit na porsiyento na lamang ang gumagawa nito dahil tumaas na ang koleksiyon ng Customs.

Ipinagmalaki  nito  ang ilang major accomplishment mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon gaya ng automation ng customs systems at iba pang mga proseso, pagtatalaga ng integrity and quality management, at pagpapabilis ng transaksiyon. PAUL ROLDAN

Comments are closed.