REGALONG PINAG-ISIPAN AT MAKA-KALIKASAN

SA pagpasok ng Disyembre, siguradong marami sa inyo ay nagkukumahog sa paghahanap ng maipangreregalo ngayong Pasko. Piliin natin ang mga handog na may kabuluhan at gawa sa mga materyales na natural at gamit ang mga prosesong hindi nakasisira sa kalikasan. Narito ang ilang halimbawa.

Angkop para sa mga kaibigan at kamag-anak ang limited-edition na UNICEF Cards 2023. Tampok dito ang mga obra ng sikat na pintor na si Malang. Sa halagang isang libong piso, makatutulong ka na sa mga kabataang nangangailangan ng suporta, makatatanggap ka pa ng isang box na naglalaman ng sampung UNICEF Cards. Bisitahin lamang itong link kung interesado: https://tinyurl.com/unicefcards-10

Para naman sa mahilig lumikha ng gawang-kamay, napaka-espesyal na regalo ang sariling gawa.

Ang ILI LIKHAAN CERAMICS ay magkakaroon ng tatlong workshops sa ika-2 ng Disyembre (Clay Gifts), ika-9 ng Disyembre (December Blooms), at ika-16 ng Disyembre (Merry Veggie Christmas).

Limitado ang slots para sa mga workshops na ito kaya’t magpa-reserve ng maaga sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/ilixmas2023

Dito naman sa MAGINHAWA ECOSTORE sa 16A Maginhawa St., Quezon City, maaaring makabili ng mga customized bayong eco-gift sets na gawa sa earth-friendly materials at galing sa mga SMEs na ka-partner ng Maginhawa EcoStore, isang low impact lifestyle sari-sari store.

Ilan sa mga gift items na kasama sa iba’t-ibang gift sets ay ang mga sumusunod: kape, tsaa, coco sugar, trail mix, oatmeal, banana chips, suka, coconut aminos, hot sauce, at sambal. Mayroon ding soy candles, sage, massage oils, plantable pencils, palo santo sticks, bamboo straw, bamboo toothbrush, at key chains. Siyempre, hindi mawawala ang body wash, shampoo, dishwashing liquid, disinfectant, hand soaps, liquid detergent, at fabcon. Maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page para sa karagdagang impormasyon: https://www.facebook.com/maginhawaecostore