REGINE, RHIAN AT CLAIRE PAWANG MAY GOURMET TUYO AT BANGUS BUSINESS

regine, claire and rhian

NAUNA nang nagtayo ng gourmet na tuyo ang mo­ther ng Kapuso actress na si entra eksenaRhian Ramos at talagang dinudumog ang store nila sa Parañaque. Mabibili naman sa Claire dela Fuente Seafood and Grill resto ng singer na si Claire sa Macapagal Avenue ang mga produkto niya ng gourmet tuyo at bangus. Last year naman ay nag-decide na rin ang showbiz couple na sina Regine Velaquez at Ogie Alcasid na magbenta na rin ng ganitong produkto.

In fairness ay marami rin ang umo-order sa kanila. Ngayon, marami na rin ang dealers nila para sa nasabing produkto. Ilang supermarkets na rin ang dala ang produkto. Honest, ‘yung gourmet tuyo nina Ms. Claire at Rhian ang aming natikman at masarap itong kainin sa breakfast. We heard na tubong lugaw ang negosyong ito kaya samantalahin niyo na.

JESSA LAUREL MAY “K” SA BROADWAY MUSICAL

TULAD NG MISS SAIGON AT LES MISERABLES

LAHAT nang makadinig ng version ni Jessa Laurel ng “Via Dolorosa,” na madalas JESSA LAURELkantahin ni Lea Salonga ay iisa lang ang feedback o sinasabi puwedeng-puwedeng sumabak si Jessa sa local and international musical broadway gaya ng Miss Saigon at Les Miserables na parehong tanyag sa bansang London. May nagkomento pa na sa angking world-class talent ni Jessa ay siya ang bagay na makaduweto ni Jed Madela.

Nang iparating namin ito sa aming alaga ay sob­rang flattered siya at  sa kabila ng kanyang pagi­ging baguhan sa showbiz ay may ilan nang naka-a-appreciate ng kanyang ta­lento na bigay sa kanya ng  Diyos. And sana raw magdilang-anghel ‘yung mga bilib sa kanya na in the future ay mapasama siya sa isang international Broadway musical.

“If given a chance si­yempre pinapangarap ko na makatrabaho si Ms. Lea Salonga and Monique Wilson na pareho ng veterans sa international broadway musical play. And sana mangyari ito dahil isa ito sa biggest dream ko kaya pinasok ko ang showbiz,” sey pa ng singer-model naming talent.

KAPUSO CHARIZ SOLOMON BAGONG WINNER

NG P75K SA RUSH FOR WIN PHILS SLIPPERY STAIRS

LAST Saturday ay ang mga Kapuso comedienne ang naglaro sa pinakabagong game CHARIZ SOLOMONfun segment sa Eat Bulaga na “Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs” na kinabibilangan nina Chariz Solomon, Kiray Celis, Devine Aucina etc.

Yes, kahit na mga girl ay buong tapang na hinarap ng mga ito ang challenge na magpababa akyat sa hagdanan na slippery o madulas hanggang sa makuha ang flag. At si Chariz ang siyang itinanghal na winner na sobrang galing sa pag-akyat baba at nakapag-uwi siya ng premyong cash na tumataginting na P75,000. Sina Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Clint Bondad ang mga host ng Rush 4 Win Philippines.

Comments are closed.