REGINE VELASQUEZ ‘DI NA HAHABULIN NG KAPUSO

REGINE VELASQUEZ

KUNG totoo nga na aalis na nga or mag-o-over da bakod na si Regine Velasquez sa ABS-CBN ay tila hot shotshindi na raw pipigilan or gagawan ng solusyon ng Kapuso para hindi umalis ang Songbird sa network.

Ayon sa source, noon pa raw may isyu ng paglipat ni Regine pero kaagad daw nagagawan ng pa­raan. Naroon na binibigyan ng bagong show si Regine para hindi na mag-isip mag-over da bakod.

Pero ngayon (if totoo lilipat na) ay hindi na raw pipigilan ng network ang paglipat ng singer/actress dahil ginawa na nila ang lahat para manatiling Kapuso ang singer/actress.

Tutal ay hindi na raw masyadong naka-concentrate sa musical show ang GMA 7 kaya hindi na rin daw kabawasan kung totoong aalis na nga si Regine sa network.

Dapat din sigurong isipin ng Songbird na hindi na siya bumabata at dapat alam nito na hindi habambuhay ay sikat ka dahil darating ang panahon na kahit anong sikat mo ay dumarating ang pagbagsak.

Sa isang banda ay baka naghahanda na rin si Regine sa kanyang singing at showbiz career na if ever na tuluyan na siyang malaos ay nakapaghanda na siya at safe na ang kanilang future.

For sure sa paglipat ni Regine sa Dos ay mataas ang talent fee nito at siguradong maraming show na dadatnan sa Kapamilya Network.

Well, sa showbiz naman ay wala talagang matatawag na forever  Kapuso or Kapamilya. Hangga`t mainit at pinagkakaguluhan ka ng fans or followers ay ganoon din kainit ang career sa alinman TV network.

MARLO MORTEL ALAY SA YUMAONG INA ANG MGA AWITIN SA KANYANG ALBUM

MARLO MORTELKAHIT  mabigat pa rin ang pinagdadaanan ni Mario Mortel dahil sa pagkamatay ng kanyang nanay na si Merlie Pamintuan sa sakit na breast cancer ay tuloy pa rin ang buhay ng actor.

Ang pagkawala ng kanyang nanay ay nagsisilbi pa rin hamon kay Mario para ipagpatuloy ang kanyang nasimulan at hangarin ng kanyang ina na makilala siya balang araw sa showbiz

Hindi lang singer si Mario dahil isa rin siyang composer at damang-dama nga ang matinding emos­yon sa bago niyang album. Maririnig nga ang mga composition niya sa nasabing album. Lahat ng mga ito ay alay niya sa kanyang nanay.

Nanghihinayang si Mario na hindi na makikita ng kanyang nanay na mairi-release na ang kanyang album na matagal din niyang pinaghirapan.

Nangako si Mario na ipagpapatuloy niya ang pagpapasaya sa mga listener kung saan isinama niya sa album ang latest niyang single na I Pray na umani ng simpatya at paghanga.

Sa mga hindi gaano nakakakilala kay Mario, siya ang lumalabas na love interest ni Sue Ramirez sa nangungunang TV series na Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

SNOOKY SERNA PAYAG NA I-DRAMATIZE ANG KANYANG BUHAY

SNOOKY SERNAPUMAYAG  na rin si Snooky Serna na i-dramatize ang kanyang buhay at i-reveal ang kanyang sakit dahil gusto niya raw itong maging inspirasyon sa mga televiewer.

“I want this story to come out as a story of hope and courage and above all, faith. And ‘yung hope nga na hindi naman ibig sabihin kapag sinabing mentally challenged ka, eh, kaila­ngan katakutan ka na or hindi ka na bigyan ng chance. I mean, everybody deserves a second chance talaga,” pahayag ni Snooky sa interview sa kanya ng press.

Nagkasakit siya ng mental disorder na tinatawag na Dysthymic Mood Disorder na 19 years na niyang pinapagamot. Ito ay parang kindergarden level ng bipolar.

Ang sabi raw sa kanyang ng psychiatrist ay dala raw marahil yun ng maaga niyang pagtatrabaho bilang artista.

“I did not have a normal childhood daw according to my psychiatrist and of course, ako rin naman na-realize ko rin yun and yung mga problema na dumating sa buhay, personal  and otherwise, accumulated na lahat.

“At saka sa family namin, it runs pala in the family na mayroon din depression, nalaman ko. Siyempre, I will not name names,” aniya.

Bukod pa sa premature (6 months and 20 days) pa raw siya ipinanganak ng kanyang nanay na si Mila Ocampo. Maaaring naging factor din daw  ‘yun.

Ang sakit niyang ito ang siyang dahilan kung bakit tinatawag siyang pagong, unprofessional at mabagal kumilos.

Nagkaroon din daw siya ng trauma nang makagat ng ahas habang ginagawa niya ang Madonna: Ang Babaeng Ahas noong 1991.

May moment nga raw siya ng panic attack, anxiety attack at depression. Pero magkaganoon man ay hindi raw siya umabot sa punto na magpakamatay.

Ang pagsasalarawan ng kanyang buhay ay mula sa edad na 14 years old hanggang sa present days.

Comments are closed.