ANO ba namang nangyayari rito kay Regine Velasquez at lalo pa yatang nananaba as time goes by. Last Sunday, napanood namin siya sa ASAP Natin ‘To at nahambal kami sa kanyang pananaba. How gross! Harharharhar!
Kapag nagkaka-eksena sila ng trim and firm na si Sarah Geronimo, buking na buking ang kanyang paglobo.
Paglobo raw, o! Harharhar! Oo nga pala, hindi siya tumitigil sa pambababoy sa national anthem ni JK Labajo na Buwan na ibinibirit niya to her heart’s content.
Yucky! Yosi-kadiri! Yuck!Yuck!Yuck
Bakit hindi na lang siya mag-stick sa kanyang pagtili sa mga songs na gamay niya and leave JK Labajo in peace? Hahahahaha!
She should bear in mind that Buwan is a hard rock song and it doesn’t suit her a bit. Hindi rito naa-appreciate ang pagtili-tili niya dahil hindi naman bagay sa kanta.
Tumili ka na lang doon sa mga type of songs na bagay sa klase ng boses mo and stop singing Buwan with your tili-erang style which is not at all suited to that kind of song.
Please, Regine. Mag-stick ka na lang sa genre mo at doon ka nababagay. Stop singing the kind of song that is not suited and meant for you.
Puhleezzzzeeeee! Bwahahahaha!
DIREK NEAL TAN INALALA ANG MOST DARING SCENE SA PELIKULA NI CHOKOLEIT
BEFORE the sensational French kiss of Angel Aquino and Tony Labrusca, people were already talking about Chokoleit and his sex scene in the in-die movie Tarima of indie director Buboy ‘Neal’ Tan.
Bongga talaga ang sex scene na yun ni Chokoleit. Walang kaarte-arte ang guy na kanyang ka-eksena at hubad kung hubad ito at walang keber sa laplapan.
Shocked nga raw ang direktor na si Buboy ‘Neal’ Tan kaya hinayaan na lang niyang mag-emote ang dalawa.
Ito raw ang most daring scene ni Chokoleit at sobrang nag-enjoy raw ito habang kanyang ginagawa ang eksena.
Looking back, super-enjoy raw si Direk Neal na makatrabaho si Chokoleit.
“Siya ang nagdala sa comic scenes, pam-balance sa drama nina Fanny at Tita Gloria,” he said in earnest. “Very professional si Chokoleit. Laging maaga sa set. Laging ready, walang arte, walang kiyeme sa loob ng kulungan.
Maliban sa pagiging magaang katrabaho, it must be his self-deprecating humor that separates him from the rest. Sa halip na iba ang pagtawanan at laitin, pinauso niya ang pagpapatawa sa pang-ookray sa sarili.
Sayang nga raw at nauna pa si Chokoleit. May gagawin pa raw sanang isang indie movie si Tita Fanny at balak niyang isama roon ang komedyante. “I will surely miss him.”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!