ILOCOS REGION –NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) Region 1 sa kanilang kahandaan ilang araw bago sumapit ang midterm elections.
Sinabi ni Lt. Col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) Region 1, handa na ang buong hanay ng PNP sa rehiyon kasama ang Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang sangay ng gobyerno.
Naka-maximize na rin aniya ang deployment ng kanilang mga pulis maging ng militar lalo na sa mga binabantayan nilang lugar o election hotspots para mapanatili ang kapayapaan dito.
Aniya, tinututukan din ng kanilang hanay ang pagdadala ng mga vote counting machines sa mga paaralan na magsisilbing polling precincts sa darating na halalan sa Lunes.
Samantala, inihayag naman ni Peralta na wala pa namang plano ang PRO-1 na magkaroon ng balasahan o reshuffling ng mga Chief of Police at Provincial Director dito sa rehiyon uno ngayong nalalapit ang eleksiyon. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.