REGION 10 DINALE NA RIN NG DENGUE

DENGUE-4

NORTHERN MINDANAO – MAGING ang Region 10 na sumasakop sa Cagayan de Oro, Bukidnon, Camiguin, Lanao de Norte at iba pa ay naitala ang kaso ng dengue na lalo pang lumobo.

Base sa data, mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ay nasa halos 17,000 na ang tinamaan ng dengue sa rehiyon kung saan 68 na ang namatay.

Dahil dito, nagpasaklolo na ang Department of Health-Region 10 sa mga local government  unit na tulungan sila sa kanilang kampanya na labanan ang nakamamatay na sakit.

Sa pahayag ni DOH-10 asst. Regional director Dr. Dave Mendoza, na kinakailangan nang gumawa ng inisyatiba ang LGU sa pamamagitan ng pagbibigay ng parusa sa mga residente na hindi maglilinis ng kanilang mga bakuran.

Naniniwala si Mendoza na ang sabay-sabay na paglilinis ng lahat tuwing alas-4:00 ng hapon kada araw ay mabisang paraan upang matugunan ang lumalalang problema sa dengue. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.