DAVAO CITY – UMUPO na kahapon ang bagong Regional Director ng Police Regional Office XI.
Pinangunahan ni PNP OIC Police Lt. General Archie Gamboa ang turnover ceremoy kahapon bilang guest of honor.
Pinalitan ni PBrig. Gen. Filmore Escobal si PBGen Marcelo Morales na magiging Director na rin ng Police Security & Protection Group (PSPG).
Ayon kay General Morales, hindi niya makakalimutan ang kanyang mga pinagdaanan sa PRO XI at dadalhin niya ito patungo sa kanyang bagong katungkulan.
Nagpasalamat din ito sa mga tao na naging parte ng kanyang pagseserbisyo lalo na ang mga institusyong nakipagtulungan sa kanya upang mapanatiling mapayapa ang buong rehiyon.
Samantala, nagpasalamat din si General Escobal sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng PNP at tiniyak nito na ipagpatuloy ang nasimulang mga magagandang programa ni General Morales at nanumpa rin ito na gagawin ang lahat upang magampanan nang maayos ang kanyang bagong tungkulin.
Hindi na bago sa rehiyon si Escobal dahil na-assign na rin ito sa rehiyon noong nakaraang mga taon. EUNICE C.
Comments are closed.