CAGAYAN-KASABAY ng World Bamboo Day, hinikayat ng grupong Cagayan Valley Bamboo Industry Development Cluster (CAVBIDEC) ang mamamayan ng Lambak na makiisa sa malawakang pagtatanim ng kawayan para sa kalikasan.
Ayon kay Dr. Samuel Garcia, chairman ng Cagayan Valley Bamboo Industry Development na malaking tulong sa kalikasan ang pagtatanim ng kawayan na kung saan mapipigilan nito ang land erosion, climate change mitigation at marami pang iba.
Aniya, layon ng pagtatanim ng kawayan na palaguin at palawakin ang mga pananim nito dahil makakatulong ito sa kabuhayan ng magsasaka.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Garcia sa iba’t-ibang local government units (LGUs) sa probinsya ng Cagayan tulad ng Baggai, Claveria, Buguey at sa lungsod ng Tuguegarao sa pakikiisa sa pagtatanim ng kawayan. IRENE GONZALES
Comments are closed.