MAAARI nang makapasok ang local tourists sa mga kilalang lugar sa Eastern Visayas subalit kailangang sundin nila ang health protocols upang makaiwas sa paglaganap ng coronavirus disease 2019.
Ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, ang rehiyon ay mayroong maraming lugar na interesante para sa mga taong matagal na natigil sa bahay dahil sa kuwarantina.
“You can visit our region. We are not that strict but you have to follow the health protocols like wearing of face masks, and face shields if you are in close proximity with others when in public places,” ayon kay Romualdez.
Aniya, sundin lamang ang health protocols at maaari nang ma-e enjoy ang mga beautiful sights sa kanilang lugar na halos lahat ay nag-o-operate na.
Maaaring mabisita ang Tacloban sa pamamagitan ng pagpapakita ng vaccination card at hindi na kailangan ang negative swab test result.
Kabilang naman sa additional requirements ang acceptance letter at Tacloban quick response (QR) code.
Habang ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 ay dapat magpakita ng negative swab test kasama ang iba pang dokumento gaya ng valid identification card.
Samantala, kabilang naman sa bukas para sa turista ang Tacloban in Leyte, Maasin sa Southern Leyte, at Catbalogan in Samar, gayundin ang Southern Leyte, Samar, Eastern Samar, at Northern Samar.
Bukas na rin sa turista ang Biliran at Leyte, at mga siyudad ng Baybay sa Leyte, Borongan sa Eastern, at Calbayog sa Samar.
Comments are closed.