REGIONAL AIRPORTS PINABUBUKSAN SA LIMITADONG FLIGHT OPERATIONS

Flight

HABANG nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang mga airport sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Clark, at Sangley, mungkahi ni Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Fortun ng minorya sa Kamara na sana’y buksan na ang ilang regional airports upang unti-unting mapanumbalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

Halimbawa ni Fortun ang Laguindingan Airport sa Northern Mindanao at mga paliparan sa, Cotabato City, Butuan City, Laoag, Tuguegarao, Cauayan, at Tacloban, bilang mga airport na may kakayahang saluhin muna ang workload na dapat ginagawa sa mga paliparan na nasa ilalim pa ng ECQ.

“I appeal to the IATF and DOTr consider allowing airports and the airlines to resume flights under strict quarantine measures for cargo, medical evacuations, relief operations, and mercy flights for stranded individuals,” ayon kay Fortun bilang panimulang mga hakbang.

Sa gradual na pagbubukas ng ilang airport, maisasalba ng airlines ang maraming manggagawa na nawalan ng trabaho sa kanilang industriya at iba pang sektor ng ekonomiya, ayon kay Fortun.

Para sa mga lubhang kinakailangang “mercy flights,” kailangan aniya ng mahigpit na quarantine para sa mga pasahero bago pauwiin sa kani-kanilang mga pamilya upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 mula ibang bansa patungo sa mga probinsya. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.