REGIONAL ASIA-PACIFIC MEET PARA SA DISASTER RISK REDUCTION

AARANGKADA ngayong araw, October 14,  ang mahalagang summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na tutuon sa mga pangunahing pagtugon laban sa hindi inaasahang sakuna.

Hanggang bukas, October 15, ay isasagawa ang 10th Session of the Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction  na may temang ‘Surge 2030: Enhancing Ambition in Asia-Pacific to Acce­larate  Disaster Risk Reduction’.

Ito ay itinataguyod ng United Nations Special Office for the Disaster Risk Reduction habang host ang Pilipinas ngayong taon.

Inaasahang dadaluhan ito ng iba’t ibang local government units, gayundin ng pribadong sektor hindi lang sa bansa kundi posibleng mula sa international community para makibahagi sa kaalaman sa disaster response.

Kaya naman dahil sa dagsang bisita, upang hindi maantala ang biyahe, ipinag-utos na walang pasok sa klase at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Pasay City.

Subalit ang trabaho na nasa serbisyo gaya sa health care, pagkain, at security ay may pasok.

Samantala, umiiral din ngayong araw ang gun ban sa dalawang lungsod ng Metro Manila upang masawata ang hindi inaasahang insidente ay matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sana, tumalima ang lahat dahil ang nasabing summit ay hindi lamang sa panig ng pamahalaan kundi para sa lahat.