REGIONWIDE RESBAKUNA KIDS NG DOH, LGUs SINIMULAN NA

CALABARZON- SINIMULAN na ng Department of Health-Calabarzon sa pakikipagtulungan ng mga local government units (LGUs) ang regionwide COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Kabilang ang mga public at commercial spaces tulad ng malls at civic center sa pinadarausan ng ResBakuna Kids bilang vaccination site upang mas maging accessible, convenience sa miyembro ng vaccination team, mga magulang at kanilang anak.

Kasabay nito, siniguro ni DOH Calabarzon regional director Ariel Valencia na walang dapat na ipag-alala ang mga magulang at guardians hinggil sa bakunang gagamitin sa mga bata.

Ayon kay Valencia na ang vaccine para sa mga bata ay ligtas at epektibo na rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), Phil. Pediatric Society (PPS), Pediatric Infectious Disease Society of the Phil. (PIDSP), at iba pang grupo ng mga eksperto.

Sa ginanap na symbolic vaccinations sa Calabarzon, aabot na sa 2, 522 bata na edad 5 hanggang 11 ang naka 1st dose ng reformulated Pfizer vaccine at ang inirekomendang interval doses ay 21-araw.

Base sa guidelines ng pediatric COVID-19 vaccination, kailangan ng mga magulang na magparehistro at dalhin ang birth certificate ng kanilang anak habang ang mga batang 7-anyos pababa ay kailangan ang consent ng magulang o guardians.

Sa mga batang may comorbidities at immunocompromised ay kailangan ng medical certification mula sa pediatrician bago isalang sa inoculation.

Umaabot sa 2, 181, 424 batang may edad 5 hanggang 11 sa Calabarzon region ang puntirya ng COVID-19 inoculation campaign sa loob ng tatlong buwan. MARIO BASCO