SISIMULAN na sa Lunes ang pilot test para sa pagpaparehistro sa Philippine Identification Card System.
Ito ang inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) Philippine Identification System (PhilSys) Assistant Secretary Lourd Dela Cruz na kung saan uumpisahan muna sa 10,000 Filipino ang target ng gobyerno na mairehistro sa naturang pilot testing ng National Identification System.
Gayundin, tatargetin ng ahensiya sa taong 2020 ay makapagparehistro ng 50 milyong Pinoy at dagdag na 50 milyon pa sa taong 2021 kasama ang mga overseas Filipino worker (OFWs).
Binigyang diin pa ni Dela Cruz na libre ang pagkuha ng National ID na magbibigay ng PhilSys number at magiging unique number na ng bawat Filipino.
Comments are closed.