SANG-AYON ang isang independent research group sa posibleng pagpapaluwag pa ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin ng pagbaba pa ng naitatalang COVID-19 cases doon.
Nauna rito, sinabi ng Malacañang na maaaring isailalim na sa regular na general community quarantine (GCQ) status ang Metro Manila, gayundin ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, o NCR Plus areas, ngayong linggong ito dahil na rin sa paghusay ng COVID-19 situation doon.
Suportado naman ito ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group dahil gumaganda naman na aniya ang COVID-19 situation sa NCR.
“Sinu-support natin ‘yan because at this time, gumaganda naman ang situation sa NCR,” pahayag ni David, sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay David, ang NCR ay nakakapag-contribute na lamang ngayon ng 27% ng COVID-19 cases sa daily tally ng bansa, mula sa dating 97% noong peak sa pagitan ng Marso 29 at Abril 4.
Ang virus reproduction rate naman o ang bilang ng mga taong apektado o maaaring mahawa ng virus ng pasyente sa Metro Manila ay nasa 0.72 na lamang habang ang positivity rate ay bumaba na ng 8%.
Samantala, ang hospitalization rate naman ay nasa “safe level” na rin ngayon sa 40%.
Sinabi ni David na maaari na ring sumugal na magbukas pa ng ibang mga negosyo lalo na ngayon wala namang nakikitang nagkakaroon ng community transmission sa businesses.
Binigyang-diin naman niya na ang dapat na iwasan ay ang pagkakaroon ng mga malakihang pagtitipon.
“We can take some risks na pagbubukas ng businesses. So far, wala pa naman tayong nakikita community transmission sa businesses,” dagdag pa ni David.
“There will always be risks. Ang iniiwasan natin is more of congregations na malalaki,” aniya pa.
Ang NCR Plus areas, na unang isinailalim sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso dahil sa surge ng COVID-19, ay nasa ilalim na ngayon ng ‘GCQ with additional restrictions’ hanggang sa Hunyo 15.
Inaasahan namang mag-aanunsiyo na si Pang. Duterte sa susunod na magiging quarantine restrictions sa naturang mga lugar sa mga susunod na araw. Ana Rosario Hernandez
ラブドール 新しいビデオ:Mishkaの「MyYoutube教育演習–TPEヘッドの絶対アップグレード」
445441 716493Howdy! I just want to give an enormous thumbs up for the great information you may have here on this post. I will likely be coming back to your weblog for more soon. 285425
832609 476158I merely need to tell you that you have written an exceptional and special article that I genuinely enjoyed reading. Im fascinated by how nicely you laid out your material and presented your views. Thank you. 364021
832724 385905Thanks for providing such a terrific post, it was exceptional and very informative. It is my 1st time that I visit here. I identified a lot of informative stuff within your article. Keep it up. Thank you. 135141
288583 309061Quite clear site , regards for this post. 973512
428656 108255Thanks for helping out, superb info . 210327