REGULAR MEETING SA KONGRESO

Senador Richard Gordon-3

IGINIIT ni Senador Ri­chard Gordon na dapat na magkaroon ng regular na pagpupulong ang Department of Foreign Affairs  at Department of National Defense sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ito ang naging panawagan ni Gordon sa ginanap na Kapihan sa Senado kahapon hinggil sa kontrobersiyal na isyu sa banggaan ng Chinese vessel at bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank.

Anang senador, mas makabubuti ito sa halip na may iba’t ibang mga opisyal ng gobyerno ang nagsasalita na iba rin ang pananaw.

“Too many officials speaking, especially if they are not in sync with one another, may on life weaken the country’s position on the incident. Let us leave the negotiations regarding the incident to the DFA, the DND and possibly the OSG (Office of the Solicitor Ge­neral),” diin ni Gordon.

Kaya’t hiling ni Gordon, dapat na i-brief ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang Kongreso ukol sa sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea matapos ang nasabing insidente.

Aniya, dapat ipaliwanag ni Locsin kung ano ang epekto nito sa national security ng bansa.

Nauna rito, sinabi na ni Gordon na ipaubaya na lamang sa DFA at DND ang pagbibigay ng official state-ments kaugnay sa insidente ng banggaan sa WPS.

Comments are closed.