NAG-ISYU ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Department Administrative Order (DAO) sa bagong regulasyong teknikal tungkol sa sapilitang sertipikasyon ng produktong flat glass.
Nakalahad sa DAO na “only glass products sourced from glass manufacturing plant(s) holding a valid PS Quality and/or Safety Certification Mark License(s) shall be permitted to be distributed, sold, and used in the Philippines”. Kalakip nito ang iba’t ibang glass products glass products tulad ng heat-strengthened and fully tempered flat glass, laminated glass, at laminated safety glass sa mga gusali at bent glass.
“This is one of our ways to protect our consumers. DTI would like to ensure that they are provided with safe, quality standard glass in the market,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Ang mga kompanyang nag-a-apply para sa PS License ay sasailalim sa factory at product audit na isasagawa ng DTI-Bureau of Philippine Standards (BPS), DTI Regional or Provincial office, o ng kinikilalang BPS- auditing bodies. Sa panahon ng audit, iguguhit ang lahat ng samples para sa mga tipo at sukat ng produkto. Tutukuyin ng DAO ang halaga ng samples at decision parameters kada rami ng shipment. Maiisyu lamang ang lisensiya kung may satisfactory evaluation ng factory ganun din ang pagkakabagay ng produkto sa ispesipikong PNS ng inawdit ng produkto. Ang PS License ay epektibo hanggang tatlong taon.
Para sa mga produktong imported glass, ang importers ay mag-a-apply para sa Statement of Confirmation (SOC) sa kada produkto, kada Bill of Lading basis. Ito ay para masiguro na ang imported glass ay kinuha mula sa PS Licensed manufacturer at umaayon sa mga kinakailangan ng Standards.
Ganundin, kailangang mag-post ng Surety Bond para sa imported glass bawat shipment basis katumbas ng 10% ng idineklarang halaga. Kailangan din na magkaroon ang glass importers ng Php 20 million kapital bago magkaroon ng importation.
Ang produktong salamin na sakop ng DAO, na parehong imported gawang lokal, ay kakailanganing may marking para sa pagsubay at beripikasyon. Ang marking ay kasali sa trade name or trademark, kapal sa millimeter (mm), tipo, klase, at PS License number o SOC number.
Ang mga hindi sumusunod na produkto ay sasailalim sa recall sa loob ng 15 araw mula sa resibo ng paalala mula sa BPS. Mag-iisyu rin ng Show Cause Order laban sa manggagawa o importer na hindi makasusunod sa mga pangangailangang legal at teknikal. Maaaring mabalewala ang Surety Bond depende sa degree ng non-conformity o non-compliance.
Ayon sa Trade Secretary, ang DAO ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publikasyon.
Comments are closed.