REGULATORY RELIEF SA BANGKONG APEKTADO NG ASF, COVID-19

BSP-11

MAGKAKALOOB ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng regulatory relief sa mga bangkong naapektuhan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 at ng African swine fever (ASF) outbreaks.

isang statement, sinabi ng BSP na pinalawig ng ahensiya ang coverage ng Circular 1071 na nagtatakda ng framework sa pagkakaloob ng regulatory relief sa mga bangko at quasi-banks.

Ang circular, na nagsasaad ng relief sa mga bangko na naapektuhan ng mga kalamidad para suportahan ang kanilang recovery efforts, ay pinalawig din sa ASF at COVID-19.

“This is in recognition of the potentially crippling impact of these events on key industries,” wika ni BSP Governor Benjamin Diokno.

“We believe that the grant of regulatory and rediscounting relief measures is also applicable to financial institutions whose clients have suffered from adverse effects of these crises.”

Nauna nang iniulat ng Department of Agriculture (DA) na apat na lalawigan sa bansa -Benguet, Camarines Sur, Kalinga, at Quirino — ang nananatiling positibo sa  ASF.

Samantala, mahigit sa 2,400 katao naman ang nasawi sa COVID-19 sa China, na may iniulat na mahigit sa 76,000 kaso sa kasalukuyan.

“Under the temporary regulatory relief, banks and quasi-banks may avail of staggered booking of allowance for credit losses, non-imposition of penalties on legal reserve deficiencies, and non-recognition of certain defaulted accounts as past due,” ayon sa central bank.

“Banks that will avail of the relief measures will be evaluated by the BSP on a case-by-case basis,” dagdag pa nito.   PILIPINO Mirror Reportorial Team