REHAB CENTER NG DOH- CALABARZON PINASINAYAAN

PINASINAYAAN ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Calabarzon ang bagong gusali ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency at lokal na pamahalaan sa Brgy. Osorio, Trece Martires City, Cavite nitong Martes ng umaga.

Ang konstruksiyon ng DOH-DATRC ay nakapaloob sa programa ng DOH-JICA sa ilalim ng bilateral project ng JAPAN-Philippines Joint Statement on Bilateral Cooperation na tinawag na “Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users” (CARE) para sugpuin ang illegal drugs.

“DATRC will be the apex or an end-referral of all rehabilitation centers in the country”, pahayag ni DOH officer-in-charge Undersecretary Leopoldo J. Vega.

Nabatid na ang DOH-DATRC ay may complete amenities at facility tulad ng Processing building, Medical, Family Waiting Area, Reception/Information, Nurses Station, Observation Room, Conference room, Office of the TRC Chief, Visitors building, Garden, Prayer hall, Covered Walkway, Make/Female Patient Dormitory, Training Building, Staff dormitory, at Transition Dormitory.

Umaabot sa 5-ektaryang lupain na donasyon ng Pro­vince of Cavite sa nasabing barangay ang itinatayong DATRC na sa oras na pasimulan ang operasyon ay tatanggap ng 400 male illegal drug users at 80 female drug dependents mula sa South at Central Luzon na free of charge at pamamahala ng DOH.

Naging guest speaker si DILG Sec. Eduardo Ano sa ginanap na inagurasyon kung saan ilan pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Trece Martires City at panlalawigang pamahalaan ang dumalo. MHAR BASCO