REHAB NG MANILA BAY SISIMULAN NA SA ENERO

MANILA BAY

NAKATAKDANG simulan sa kalagitnaan ng Enero ang Manila Bay rehabilitation project.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, target nilang linisin ang Manila Bay para buhayin ang swimming activities doon.

Sinabi ni Cimatu na base sa pag-aaral ng mga eksperto, masyadong mataas ang coliform content ng tubig sa Manila Bay kaya delikado ito sa kalusugan ng mga tao.

Bukod sa industrial wastes, masyado aniyang mataas ang fecal coliform sa natu­rang karagatan.

Sa mandamus na ipinalabas ng Korte Suprema, may isang dekada na ang nakalilipas, inatasan ang 13 ahensiya ng pamahalaan na  magtulong-tulong para sa pagsasaayos ng kondisyon ng tubig sa Manila Bay.

Ang mga ito ay ang Metro Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, Education, Health, Agriculture-Bureau of Fisheries, Public Works and Highways, Budget and Management at Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group, Philippine Ports Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at Local Water Utilities Administration.