REHAB PLAN SA BAGUIO CITY ‘DI GAYA SA BORACAY

BAGUIO CITY

BENGUET – HINDI duduplikahin ng Baguio City ang estilo ng rehabilitasyon sa Boracay Island.

Ito ang nilinaw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasunod ang mungkahing isailalim sa rehabilitas­yon ang City of Pines.

Ayon sa dating police general, na hindi ito maihahalintulad sa rehabilitasyon sa Isla ng Boracay dahil ang se­wage system at ang re-greening ang kanyang pangunahing tututukan.

Binanggit din ng alkalde na nagkaroon sila ng pag-uusap nina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año upang ipaabot ng dalawa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng rehabilitasyon sa Baguio.

Inamin din ni  Magalong na mahihirapan ito na ipasara ang lungsod sa mga turista tulad sa Boracay dahil ang Baguio­ City ang nagsisilbing daan ng mga turista na nagtutungo sa iba’t ibang pasyalan sa Cordillera Administrative Region.

Ang pinakamahalagang tututukan ng alkalde ang pagkonekta sa lahat ng kabahayan at establisimiyento ng lungsod sa mga sewerage treatment plants upang maiwasan ang direktang pagtatapon ng mga dumi sa iba’t ibang river systems o mga ilog sa lungsod ng Baguio. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.