WALANG direktang matukoy na timeline ang Malacañang kung kailan makokompleto ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda, limang taon na ang nakararaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Slavador Panelo, may mga bagay na nakakapagpabagal sa pagtatayo ng mga bahay para sa mga biktima ng nabanggit na kalamidad.
Paliwanag ni Panelo, kailangan pa kasing matiyak na naroroon na sa mapipiling lugar na pagtatayuan ng mga bahay ang mga pangunahing pangangailan ng mga maninirahan doon.
Gayunman, umaasa pa rin ang Palasyo na sa susunod na taon, makokompleto na ang rehabilitasyon sa mga lugar na winasak ng bagyong Yolanda. DWIZ882
Comments are closed.