Maraming bagay sa mundo ang napakahirap ipaliwanag. Tulad na lang ng taong kamukha natin. Ano ito, doppelgänger?
Ayon sa German folklore, ang doppelganger ay multo ng isang buhay na tao. Well, multo talaga, pero buhay ka pa. Ito raw yung existence ng spirit double. Yung exact replica ng nabubuhay na tao, ibon o hayop, pero invisible o hindi nakikita. Parang yung kaluluwa natin. Isang spookily like us, pero hindi kakambal. Tinatawag din silang double walker — as in multo o anino ng iyong sarili. Sa Tagalog, “halilagyo,” isang uri ng masamang espiritu.
Ayon sa kwento ng matatanda — na syempre naka-focus sa makalumang paniniwala, ang halilagyo ay likha ng sumpa. Generally, sila ay masamang espiritu pero Minsan naman ay hindi.
Maliit lamang ang tandang makakita ka ng exact doppelganger mo, ngunit ayon sa pag-aaral, may kinalaman sa phenomenon na ito ang limited genetic diversity at perceptual psychology.
Ang ratio raw na makakaharap mo Ang iyong doppelganger ay 1 in 135 — hindi yung exact doppelgängers na kamukha mo, sintaas mo, singkatawan mo — kundi yung near look-alike. Kambal nga, may difference din, di ha?
Yung exact replica na doppelganger, yung same measurements ng mukha, katawan, pati pagsasalita, 1 in a trillion chance lang.
But then, ayon din sa mga mystics, bawat tao ay may pitong doppelgangers. At itong si Veronica na taga-Mindanao, makakita ng kamukha sa — “National Museum?”
Matagal na raw niya talagang planong pumunta sa National Museum para magpa-picture sa Spoliarium. Pero syempre, andun na rin lang, nag-ikot-ikot na rin sila.
Sa kaiikot, dinala si Veronica ng kanyang mga paa sa isang silid, at doon nga, agad niyang napansin ang isang limang portrait. At wow! Kamukhang kamukha niya!
Para raw may magnet na humihila sa kanya palapit sa larawan. Kamukhang kamukha niya talaga, pati ang ngiti.
“Ewan ko pero parang may magnetic force na doon ako pinadiretso,” aniya. “Napaisip talaga ako na, ‘Ba’t parang kamukha ko?’
Pati raw laugh lines, very similar. Parang nananalamin lang daw siya — at syempre, iba ang estilo ng damit ng larawan sa soot niya.
“Ang una ko talagang naisip, ‘Is this my second life?’ or ‘Am I her reincarnation?’” dagdag pa niya
Na-curious daw si Veronica kung sino talaga ‘yung nasa portrait, dahil wala namang pangalan.
Sino nga kaya ang babaeng iyon? Bakit kamukhang-kamukha ni Veronica?
Going back sa doppelgänger o halilagyo, masamang pangitain daw kapag nakita ng doppelganger, dahil ang kamukha nitonay magkakasakit ng malubha na maaaring humantong sa kamatayan
Sa kaso ni Veronica, yes, sure, Doppler ang nakita niya, pero patay na. Hindi na siguro ito banta sa kanyang buhay
At malay natin, baka direct descendant siya nung kamukha niya.
RLVN