REINVESTIGATION VS ‘NINJA COPS’ INIUTOS

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

CAMP CRAME – BA­GAMAN anim na taon na ang nakalilipas at umano’y naparusahan na sa pamamagitan ng demosyon at pag-sibak sa puwesto, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang muling imbestigasyon sa panibagong maanomalyang buy-bust operation sa Antipolo city.

Ito ang inihayag ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac at sinabing nagbaba na ng direktiba si Gamboa para malaman kung saan ito na-delay at kung nakara­ting ang isinumiteng ulat ng Internal Affairs Service (IAS) sa opisina ng PNP chief.

Kasunod ito sa pahayag ng IAS na naganap ang drug raid sa Antipolo noong Mayo 4 kung saan kabilang ang apat na pulis-Pampanga na sangkot sa 2013 Pampanga drug raid na kinalaunan ay inakusahan sa “agaw-bato” scheme o drug recycling.

Kabilang sa mga pulis ay sina Lt. Joven De Guzman, MSgt. Donald Roque, MSgt. Rommel Vital at Cpl. Romeo Encarnacion Guerrero Jr.

Batay sa inilabas na resolusyon na may petsang Oktubre 10, inirekomenda ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo ang pagdi-dismiss sa serbisyo ng apat na pulis.

Nakasaad sa resolusyon na guilty ang apat sa ilang bilang ng grave misconduct at less grave neglect of duty. EUNICE C.

Comments are closed.