REKOMENDASYON NG MILITAR AT PULISYA HINIHINTAY SA ML EXTENSION

DUTERTE-41

HIHINTAYIN  na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng militar at pulisya kung kakailanganin pang palawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Ito ang pahayag ng Pangulong Duterte na nagsabi ring magdedesisyon siya kaugnay sa usapin sa sandaling matanggap ang rekomendasyon ng militar at pulisya.

“I will leave it to the military and the police to make the recommendation. Martial law is a military thing and it’s their assessment or their evaluation of the Min­danao situation,” wika ng Pangulo.

“If the Defense secretary says that it’s no longer needed, I’ll wait also for the statement of the military and the police. Then I will decide,” giit pa ng Pangulo.

Ang pananatili ng Martial Law sa Min­danao ay magtatapos sa Disyembre 31 ng taong kasalukuyan.

Inaprubahan ng Kongreso ang pagsasailalim ng Mindanao sa Martial Law makaraang okupahan ng mga teroristang Maute-ISIS ang Marawi City sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rebelyon noong Mayo 2017. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.