NAISUMITE na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Health (DOH) ang rekomendasyon sa paglalagay ng health information label sa mga matatamis na inumin.
Ipinaliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nilalaman ng kanilang rekomendasyon ay ang sapat na rami ng asukal sa isang inumin.
Nakasaad din dito ang rekomendasyon mismo ng World Health Organization (WHO) sa sugar intake ng isang indibidwal.
Ilalagay sa label kung low, medium at high ang sugar content ng inumin upang bigyan ng kaalaman ang mga mamimili.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa sakit na maaaring makuha sa sobrang pagkonsumo ng asukal katulad ng diabetes at obesity.