TUTOL ang Metro Manila mayors sa rekomendasyon ng De partment of Industry (DTI) na ibaba ang community quarantine status sa National Capital Region (NCR) mula sa kasalukuyang general community quarantine (GCQ) pa tungo sa modified general community quar antine (MGCQ).
Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, siya ring chairman ng Metro Manila Council (MMC) na hindi pabor ang mga alkalde sa nais ng DTI kaya’t sa nakatakdang pagpupulong nila sa Linggo ay pag-usapan ang community quarantine status na irerekomenda sa Inter-AgencyTask Force (IATF) para sa Kalakhang Maynila sa darating na Oktubre 1.
Ani Olivarez, sa kanyang nasasakupang lungsod ay gusto nitong manatili ang pagpapatupad ng GCQ status kahit pa nakikita na ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 sa nakaraang tatlong linggo.
“Hindi po tayo dapat maging relaxed sa pagkikipaglaban sa pagkalat ng naturang virus. Sa Paranaque City ay ipagpapatuloy ang mahigpit na implementasyon sa pagsusuot ng wearing facemask, face shield at pananatili ng physical distancing,” ani Olivarez.
Ipinaliwanag ni Olivarez na kapag ang status ng community quarantine sa Metro Manila ay ibinaba, ibig sabihin ay aalisin na rin ang pagpapatupad ng curfew hour kung saan mas maraming business establishments ang magbubukas ng kanilang mga negosyo.
Kaya’t aniya, kasama ring tatalakayin sa pagpupulong ng MMC ang pag-alis ng curfew hour gayundin ang pagbubukas ng iba pang negosyo na sa kasalukuyan ay nananatiling nakasarado.
Gayunpaman, iginiit ni Olivarez na ang disiplina ang number one na susi sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 sa Metro Manila. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.