IGINIIT ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na dapat panatilihin ang magandang relasyon ng Filipinas sa Cna.
Kasabay ito ng nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa ngayong Nobyembre.
Sa talumpati ni Arroyo sa Boao Forum for Asia Youth Summit 2018 sa Hong Kong, naniniwala ito na ang pagbisita ng Chinese President sa Pilipinas ay mas lalo pang magpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.
Aniya, mahalagang samantalahin ang ‘favorable status’ ng bansa sa China dahil bukod sa tumatatag na relasyon ng dalawang bansa, kaibigan ang turing ng China kay Pangulong Duterte.
Gayundin ang pagpapanatili ng ‘good relationship status’ ng Filipinas sa China dahil sa ilang mga factor na makatutulong para sa bansa gaya ng geographical location, trading partnership at infrastructure development.
Ipinunto pa ni Arroyo na papunta na sa pagiging “largest economy” sa buong mundo ang China dahil ito na ang itinuturing na ‘most dynamic’ at ‘fastest growing’ nation kaya mahalaga ang pakikipagkaibigan dito ng Filipinas.
Dagdag pa ng Speaker, walang ibang bansa ang makapapantay sa track record ng China pagdating sa infrastructure capabilities na lubhang mahalaga para sa Filipinas. CONDE BATAC
Comments are closed.