RELASYON NG PHL AT US HIHIGPIT PA

TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapatuloy ang mainit na pakikipagkaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna ng kinakaharap na pandaigdigang hamon o suliranin.

Ito ang pagtiyak ni PBBM nang mag- courtesy call sa kanya sa Malacanang noong Sabado si US Secretary of State Antony Blinken.

“I hope that we will continue to evolve with that relationship in the face of all the changes that we have been seeing and the changes in our bilateral relations with the United States,” pahayag ni Marcos kay US Secretary of State Antony Blinken.

Ipinagpalagay na ang courtesy call ni Blinken kay Marcos ay naglalayong pahigpitin ang relasyon ng dalawang bansa.

“I cannot overemphasize the importance that the Philippines holds in its relationship with the United States. It is at every level. It’s not personal level, it’s at a familial level — people who have folks in the United States, who have been working there, second, third generation Filipinos who have been there. From that very, very grassroots level,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Sa panig naman ni Blinken, sinabi nito na ang relasyon ng dalawang bansa ay naitatag dahil magkaalyado ang Manila at ang Washington.

“Our relationship is quite extraordinary because it is really founded in friendship, it’s forged as well in partnership, and it’s strengthened by the fact that it’s an alliance as well,” ayon kay Blinken.

Tiniyak naman ni Blinken kay PBBM na ipagpapatuloy ng US ang kanilang pangako para i-sustain ang depensa at security operation.

“We are committed to the Mutual Defense Treaty. We’re committed to working with you on shared challenges,” pagtitiyak ni Blinken.

Kasama naman sa nilalabanan ng dalawang bansa ang COVID-19 pandemic at climate change.

“We have been proud to be your partner in working on that and protecting all of our people. Whether it’s climate change and the need to deal with that existential challenge or whether it’s the impact of all these new technologies on the lives of our people,” dagdag pa ni Blinken.

Si Blinken ang pinakamataas na opisyal ng US na bumisita sa Pilipinas makaraan ang inagurasyon ni PBBM.

Kabilang sa kanilang tinalakay ang mga usapin sa depensa, security cooperation, renewable energy, climate change mitigation, agriculture, food security, COVID-19, at iba pa. EVELYN QUIROZ