RELASYON NG S. KOREA AT FILIPINAS PAGTITIBAYIN PA

South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man

ITINURING ng South Korea na pangalawa na nilang tahanan ang Filipinas dahil sa rami ng kanilang kababayan na nasa bansa.

Isa sa katunayan din nito, ayon kay South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man ay maging ang kanilang movie at soap operas o Koreanovela ay mataas ang pagtangkilik ng mga Filipino.

Kanila ring kinikilala ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa kanilang mga produkto  dahil marami aniyang Korean store ang nasa bansa at maging mga restaurant.

Aniya, ramdam nila ang pagpapahalaga at pag-unawa sa kanilang kultura ng mga Pinoy  at bilang pagganti  ay tutumbasan nila ito ng suporta sa bansa.

Sinabi ni Han na mula sa enerhiya at imprastruktura ay tutulong sila at katunayan niyon ay mayroon na silang mga nalagdaang kontrata sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa selebrasyon ng anibersaryo ng pagkakaibigan ng Filipinas at South Korea sa susunod na taon, asahan aniya ang dagsa pang Korean na bibisita sa bansa na makatutulong para sa job generation.

Target, aniya, ng Korean government na maitala ang 2 million tourist arrivals sa susunod na taon.

Magugunitang noong Hunyo 4 ay bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea at tinanggap siya ni S. Korean President Moon Jae-in sa Cheong Wa Dae o Blue House, official resident ng Korean leader.

Sa pag-uusap ng dalawang lider, tiniyak ng mga ito sa isa’t isa ang strong allies ng dalawang bansa.

Samantala, sa pag­harap ni Han sa forum ng BM Coffee Club na itinataguyod ng Aliw Media Group sa ­pangunguna nina ALC Group of Companies Chairman D. Edgard A. Cabangon at BusinessMirror Publisher T. Anthony Cabangon, tiniyak din ang magandang pakikipagkaibigan ng ambassador at ng nasabing media company.

Inialok din ng mga Cabangon sa ambassador ang serbisyo sakaling kailangan nila ng medium para sa information dissemination.   EUNICE C.

Comments are closed.