RELASYON NG TSINA, PILIPINAS PAIIGTINGIN

PANGALAGAAN ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Ito ang mensahe ni Chinese Ambassador Huang Xilian para sa Pilipinas sa kanyang talumpati sa ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China.

Ayon kay Huang, dapat maayos ng Pilipinas at China ang differences o pagkakaiba ng mga ito at humanap ng mapayapang solusyon sa pamamagitan ng friendly consultations para sa mas magandang relasyon ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ni Huang na handa ang China na makipagtulungan sa Pilipinas upang magkatuwang na maipatupad at sundin ang blueprint tungo sa aniya’y bagong “golden era” sa bilateral relations. DWIZ 882